Sa isang klase, parehong nag-a-adjust ang estudyante at propesor. Yun yung tamang equation dun. Dapat may interaction. Dapat, may communication.
Bukod sa pagiging dalubhasa ng propesor, dapat marunong siyang kumilatis ng estudyante. Marunong siyang makisama. Marunong siyang umunawa. Siyempre, ganun din dapat sa estudyante. Marunong rumispeto. Marunong lumagay sa posisyon.
Ang lagay kasi, may mga prof na para bang walang pakialam sa mga estudyante. Hindi lahat ng matatalinong prof ay magaling din magturo. Hindi parating ganun yun. Para maging mabisa kang tagapagbigay ng aral sa iba, dapat kinikilala mo yung estudyante mo. Hindi yung bagsak ka lang ng bagsak. Ano ang gusto mong mangyari dun? Na mas makilala ka bilang isang terror na prof? Hindi lahat ng terror na prof ay magagaling. Yung iba diyan, nagmamagaling lang. Nagpapasikat para makilala.
Anong iiwan mong kasaysayan niyan sa estudyante mo? Galit? Awa? Lupit? Hindi ka nagtatanim ng inspirasyon at pag-asa sa mga puso nila. Sa halip, binibigyan mo sila ng dahilan para magalit sa’yo. Para kamuhian ka. Imbis na turuan mo silang maging kapaki-pakinabang na mamamayan, ginagawa mo silang mga abnormal at lalo mo lang ipinakikita sa kanila na wala silang silbi sa mga gaya mong maalam sa kinuha mong propesyon.
Hindi naman kinakailangan na maging matalino para pumasa sa isang subject, kailangan lang ng determinasyon. Pero sa ginagawa mo sa mga estudyante mo, binibigyan mo ba sila ng determinasyon para lalo pang pagbutihan ang pag-aaral? Hindi. Sa ginagawa mo, lalo lang nawawalan ng mukhang ihaharap ang mga estudyante mo sa’yo at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ginagawa mo silang mga inutil. Ginagawa mo silang mga gago sa sarili nilang mga mata.
Kung paulit-ulit na bumabagsak sa’yo yung mga estudyante, sila pa rin ba ang may pagkukulang? Muli, hindi kinakailangang pantayan ng lahat ang utak mo. Dahil hindi lahat ay pantay-pantay. Hindi lahat ay gaya mo. Sana naisip mo yun.
Hindi pa naman huli ang lahat kahit na marami ka nang nasaktan at pinaasang pamilya. Hindi pa huli ang lahat dahil sa galing mong yan, marami pang magpapaturo sa’yo. Sana lang wag mong gamitin yan para makasira ng pangarap ng iba. Sana, sa susunod na pagtapak mo sa silid-aralan, ang goal mo ay hindi mambagsak at magpahirap ng estudyante. Ang goal mo ay turuan silang matutunan yung galing mo.
P.S. May isang anonymous reader ang nagpadala sa akin nito sa e-mail ko. Bahala na kayong maniwala sa akin. Ang mahalaga, maunawaan natin ang laman ng mensahe niya.




Ganyan nga karamihan ang approach ng tertiary education sa Pilipinas. Dito sa Australia (at malamang sa iba ring mga bansa) tinutulungan talaga ng professor ang mga estudyante para pumasa sa subject na itinuturo nila; masaya sila kung maraming nakakapagtapos.
RJ´s last blog ..Ang Aking Tugon…
@Kuya RJ,
yup! dito po kasi ang lulupit kaya tuloy ang mga estudyante, imbis na maengganyong mag-aral, umaayaw na lang tsk tsk…
hmmm. bakit nga kaya ganun ang mga teacher dito sa pilipinas? dahil ba ito s acrab mentality? dahil ba ito sa kagustuhan nilang ipakitang ang kagalingan nila bilang teacher ay sa pamamagitan ng bilang ng ibinabagsak nila?
hindi dapat ganun. kung suto ng mga teacher natin na gumanda at umasenso ang pilipinas, ayusin nila ang kanilang pagtuturo.
gawin nila ang lahat ng effort para matuto ang kanilang mga estudyante.
sila ang pangalawang magulang natin sa paaralan. may magulang bang naghangad ng masama sa kanyang anak?
o talagang bilang na lang sa kamay ngayon ang mga gurong masasabi mong may pagmamahal sa kanilang propesyon at malasakit sa kanilang mga estudyante??
waha. meron akong gustong padalhan nyan. haha. yung prof ko na nagbigay sakin ng 5 hindi dahil sa grades ko kungdi dahil mas madalas kami magkita sa labas kesa sa klase nya. wala rin naman kasi ako natutunan sa pinagsasasabi nya kaya mas gusto ko pa tumambay nalang at magaral mag-isa. wala naman akong sama ng loob, kasi nung niretake ko sya sa mas mahirap at magaling na prof, mas naintindihan ko ang subject (at mataas ang nakuha kong grade. hehe.)
pero meron din namang pinapahirapan kayo pero may sense naman kasi, in the long run, mapapakinabangan mo talaga ang mga pinapagawa nila. ganyan karamihan ang mga profs ko sa major subjects ko. siguro, malaki rin ang impluwensya na psych ang tinuturo nila.
yun ang nakita nilang kaibahan sa ibang prof na matalino lang, pero hindi marunong magturo.
madali ang magturo. pero ang may matuto sa tinuro mo, mahirap yun, lalo na kung hindi talaga para sa’yo ang trabahong ‘yon.
*ang dami ko sinabi. baka kasi isang araw, magturo rin ako sa university. maraming salamat sa post na ‘to at napagisip ako.
*
ganito ang nangyari sa topics namin! hindi naging professional ang ginawang ng desisyon. maraming nagtataka kung pano nakapasa yung isang classmate namin e alam naman naming lahat yung performance nya! sabi ng prof gumawa sya ng adjustments sa grades nun. pero anong klaseng adjustments? nabigay siguro ng pus 100 points? hehehehe. aminado naman kaming hindi kami umabot sa lecheng 70 percent.
Ang angas naman ng post. Gusto ko ng mga terror na teacher, hindi dahil sa sadista ko. Gusto ko ng terror, kasi mas challenging sila para sa akin. Masarap asarin ang terror na teacher. Sila ang madalas mapagpatol at emotionally unstable. Sila rin ang pwedeng nakalinya sa mga mamamatay sa sakit sa puso. Kaya ang tugon ng petiburges na istudyante: asarin, pikunin at maging delingkwente.
mganda ung point…naalala ko ulit ung cnb ng isang prof ko d2 sa college… “Hindi sa bilang or dami ng binagsak mo malalaman kung gaano k katalino kundi sa estudyante n pinasa mo at sa natuto sayo”…npaka down to earth nya knowing that he top the licensure exam in his respective course/profession…
@Rcyan,
ay sinabi mo pa cherry! sobrang bilang lang sila! kung tutuusin, pupwede na silang kilalaning martir sa kokonti ng bilang nila. tsk tsk.. and the rest? kayo na ang bahalang mag iwan ng pangalan sa kanila..
@bipolarsisa,
wow! magtuturo na siya! dapata hindi ka magaya sa mga prof na ginagawang trip trip lang ang pagtuturo. dapat nasa puso ang pagtuturo. apir!
@ryan,
kilala ko yan! hahahaha!! kilaalang kilala ko yan! hayz! grabe talaga ang department natin sa school! ang dami daming mga eskandalo at itinatagong sikreto! wahahaha!!
@PetiBurges,
naku! kung graduating ka at sa kanila nakasalalay yung grades mo e ikaw talaga ang maaasar lalo pat kung may mga misteryo sa mga grades.. hmmm….
@nyle,
sana maraming ganyang mga prof.. sana talaga.. dahil kung ganito ng ganito ang sistema ng edukasyon sa bansa, asa ka pang dadami ang gustong mag-aral…
I remember during my collage days, we have a male professor na super terror talaga, and he is the most hated professor sa University. Si Terror Professor used to walk for 200 meters from the school to the main road to get a public bus or jeepney. One evening as he was walking the alley and it was little bit dark, some student mugged him and throw him to the creek, luckily he survived but he was unable to identify his attackers, kasi somebody from behind has put a sack over his head and start punching and kicking him. Poor Mr. Terror, he resigned from the school later for fear of his life.
The Pope´s last blog .."THE SCREAM" ON OVI HISTORICAL TWEET
Naniniwala rin ako na it really takes passion to teach kaya ‘di lahat ng matalino ay maaaring maging guro. Ang iba ay nagbi-business or nag-e-empleyado sa mga selected expertise nila. Kaya mali rin ang sabihin na “ang mga nabigo sa kanilang propesyon ay nagiging teacher lang.” Teaching is also an expertise. Kaya mayroon ring nagiging teacher na ‘di dapat. Ang nagsa-suffer ay mga estudyante. If expert ang teacher, estudyante rin ang aangat.
Random Student´s last blog ..I Think I Have A Sleep Disorder
@The Pope,
kung yung pagkaterror naman ng prof eh nasa tama, ayos lang yun. kasi minsan, yung definition ng terror ay depende rin sa mga estudyante. For me, nagiging terror yung prof kapag ang lahat ng mga estudyante nito ay takot talaga sa kanya. Pero may dalawang klase rin ng terror base sa point of view ko. Una, yung terror kasi sa sobrang galing, nahihirapang makasunod yung mga estudyante sa itinuturo niya pero natututo talaga ng mga estudyante kasi tinuturo niya ng maayos at tutok talaga siya sa pagtuturo niya. Kung bumagsak ka man sa kanya, ayos lang kasi kahit papaano, may natutunan ka at alam mo kung bakit ka bumagsak.
Yung ikalawang klase ng terror, yun yung mga terror na gusto lang makilala ng buong campus bilang terror. Sila yung mga wala naman talagang ibubga pero ginagamit yung posisyon nila bilang propesor para takutin yung mga estudyante tsk tsk..
@Random Student,
I so agree!! tama na yung isang sem siguro na nakita nila yung capacity nila sa pagtuturo. Kung yun talaga ang gusto nila, e di okay lang. mag stay pa rin sila pero ipakit nila sa mga studyante na makatao sila hindi maka-career! tsk tsk..
Agree ako sa lahat ng sinabi mo Fjordz. Hindi lahat ng matalino ay marunong magturo. Dapat talaga kilalanin ng mga instructors ang mga students nila. Sa halip na takot ang ibigay mo sa mga estudyante mo, dapat inspirasyon. Paano ma-inspire ang students mo kung tinatakot mo sila.
@Reesie,
sana nga maging okay ang lahat ng mga prof. Dahil kakaunti na nga lang ang nag-aaral sa ngayon, kung ganito pa ang ugali ng mga prof, sino pa ang gugustuhing mag-aral?
yay^^. naalala ko tuloy ang mga adventures ko bilang mag-aaral.
totoo, pag sobrang terror ng prof mas maaalala mo ang bawat kunot ng kanyang noo, ngiwi ng nguso at umaalulong na tinig.
bawat minuto- bangungot!
hehe… at ang challenge talaga sa kabado at medyo bwisit na ring estudyante ay ang matuto sa kabila ng lahat ng ito.
di mo kaylangan maging henyo minsan sapat na talaga ang maging makatao. =)
Ganitong ganito ang hinaing ko sa mga professors ko. Hindi porket terror or kinatatakutan ay magaling na. Dapat din nilang isipin na sila ay nasa unibersidad. At ang mga estudyante sa unibersidad ay mga young professionals. May sariling pag-iisip, sariling prinsipyo at sariling desisyon.
Actually against ako sa uniforms e, kasi bilang university student, we should be allowed to express ourselves at hindi tayo ituring na parang nasa high school.
Kung sino man ang nagpadala nito, aba, pareho tayo ng hinaing. haha.
Fjordz, eto pala temporary link ko. http://allenyuarata.blogspot.com, pakivisit nalang ha. may munting announcement ako dun. ^^
Good day. ingat!
ang totoo sa akin, sa panahon ngayon, kakalungkot na konti nalang ang gustong maging guro. wala kasing pera sa pagtuturo. kaya yung mga magagaling sanang magturo ay nasa kung saang linya ng trabaho.
mahirap kaya maging guro. ang hamon ng bawat guro ay ang paghanda ng “lesson plan” gabi gabi… ang pagtuturo mismo (lalong humihirap lalo na kung ang mga estudyante ay walang ka amor amor sa pag-aaral)… ang pag-”checheck” ng test papers… pano pagkakasyahin ang kakaunting sweldo. haaay…
kaya ako nabibilib talaga sa mga guro na kitang-kita ang kanilang pagsisikap maturuan lang ng maayos ang kanilang estudyante.
salamat po sa “post” na ito. panawagan at paalala po ito di lamang sa mga guro pati na rin sa ating mga estudyante.
@Mari,
“di mo kaylangan maging henyo minsan sapat na talaga ang maging makatao. ”
I super agree!!
@Allen,
tama! tama! radikal ka rin gaya ng nagpadala ng message na yan! hahaha!!
So pano na yung .com mo? wala na talaga yun?
@jun-g,
tama! ang post na ito ay para sa lahat…
Pero kadalasan studyante ang problema. Meron akong prof noong college na terror talga ang tawag. Grabe nakkapanginig laman talga ang pangalan niya. Pero hindi ako nagpaapekto. Hindi ako matalino, sa katunayan barumbado ako nung hs ako, pero nasikap ko di lang pumasa pero magkaroon ng pinakamattas na antas sa prof na ito. Ewan ko nga ba sa iba ko kaklase noon NA PAULIT ULIT na sa parehong prof pero di pa rin napasa. Sa tingin nyu kanino ba talga ang may problema?
@Balahura,
ikaw na rin mismo ang nagsabi, PAULIT-ULIT na sa parehong prof pero di pa rin napasa, malamang yan ay may problema sa estudyante. Pero hindi lang dun natatapos yun. Ano pa ba ang responsibilidad ng prof na paulit-ulit niyang nagiging prof? Bakit di niya kausapin yung estudyante. I don’t think na walang natututunan yung estudyanteng paulit ulit na napupunta. Baka, masyado lang nagiging grade conscious yung prof instead of the student. You think?
Start grading your teachers or profs too. Form a group if you still don’t have a student council yet then make all the members vote who is the best, who is the worst, who is the most despairing(terror), who is the most inspiring and then post it on the bullettin board and website. I’m quite sure their attitude will change after that. Remember you are paying for your education, you have the right, you have the power.
—–sarda—–
@sarda,
kung pwede nga lang gawin yan.. pag ako na naman ang manguna sa ganyang mga plano, for sure, matutuluyan na akong mapatalsik ng TIP.. eh ayaw nila ng mga ganyan.. tsk tsk..
It is not illegal. It will not be the reason to expel you. If it is, you can always sue the school. So, every student should know their rights, their democratic rights.
—–sarda—–
@sarda,
mahirap lumaban kung walang iba kang kakampi kyndi sarili mo. Paano ako lalaban kung nakasalalay naman yung kinabukasan kosa school.. galing na ako diyan. Akala ko kakayanin ko ring magsimula ng mga ganyan, pero nakakapagod yung walang ibang sumusuporta sayo…
Hindi naman paglaban yun, it is simply “evaluating”. Kapag nag-uusap-usap kayo tungkol sa inyong mga prof, you are already evaluating them in an informal way,so anong masama sa paggawa nang formal evaluation? In fact baka matuwa pa ang school sa iyo kasi you are doing the school a favor. Tandaan mo the school is run like a business, the school is like a company where the profs are like hired workers and the students and keep this in mind are the school’s source of revenue. Now tell me why will a company do something to dissatisfy its very source of revenue?
And secondly, hindi naman kailangang ikaw ang magsimula noon, kung hindi ikaw ay mayroong iba kasi nandiyan na yung idea.
Thirdly, nang gawin mo ang blog na ito ay sinimulan mo na rin yung evaluation na iyon.
—–sarda—–
@sarda,
nang ginawa ko yung entry na ito, naisip ko na maari na namang makarating ito sa mga nakatataas… pero pag dating dito, kahit papaano, malakas na ang loob ko na hindi na nila ako pakikialaman dahil labas na ito sa school.. wala na ako sa balwarte nila. Mas okay na rin sa akin dito dahil mas komportable ako rito.. Pero kung gagawa pa ako ng mas personal na mga actions gaya ng formal discussion sa school with fellow students, hindi muna ako ang mag i initiate ng ganung step. Baka suportahan ko pa kung may ibang gagawa nun, pero kung sa akin manggagaling, hindi ko na kaya.
‘tamaan yata ako dito…

brVince´s last blog ..Time to Overhaul This Blog
@brVince,
haha! depende po yan kung isa kayo sa mga prof na walang pakisama sa mga estudyante.. i mean, walang puso sa mga students..
@fjordz,
Then, there’s really nothing much more that we can do but to take the abuse. So I guess there’s really nothing to complain about.
—–sarda—–
@sarda,
no. meron pa. sa pamamagitan ng blog na ito at blogs ng iba pang mga estudyante. Siguro, kung hindi ko man kayang humarap physically, kung kaya ko namang ibalita rito yung mga dapat ibalita, kaya pa rin..
i send mo din sa terror na prof ang blog na ito. Alam kong nakakapanghinayang ang bumagsak. Pero sa huli’t huli estudyante pa din ang talo. Kailangan mo lang ipakita sa kanila na willing kang matuto at magpaturo. May iba akong professor naman na lumalambot ang puso pagnakikitang nag-aaral ka.
p.s.
Pero usually ganyan sa mga katulad natin ang iskwelahan.. minsan kasi pati iskwelahan may makuha lang na tagapagturo pwede na.
I also made a reply of this topic anyway as an alumni’s point of view naman.
clutch´s last blog ..In response to fjordz:Para sa lahat ng mga Prof
@clutch,
tama ka.. since pareho tayong taga TIP, alam kong ramdam mo rin ang hinaing ko hehehe..
tingin ko, nakaabot na rin sa kanya ang blog na ito dahil na rin sa mga connections ng mga nagbabasa dito..
@fjordz,
Just keep on researching. ano na bang tawag ngayun sa ECE dati? maitanong ko lang.
@clutch,
ECE pa rin naman hanggang ngayon ang ECE eh.. ang alam ko Electronics Eng’g na nga lang instead of Electronics and Communications Engineering pero that’s for profession pa lang, yung academics, yung luma pa rin..
Cheers for the fantastic page – I enjoyed reading it! I always love browsing your blog.
love this message… TIPians din ako and i know what’s happening inside… in response to clutch response to fjordz…u have a point der.. but u see hindi lahat ng estudyante katulad mo n nagigising sa katotohanan. Kea nga dapat ang isang “Professor” knows different ways to handle different students, and for a fact n hindi naman lahat ng estudyante eh gusto nila ang course n kinukuha nila. Some of them are being pushed by their parents kasi inaasahan. For me kasalanan din ng school and i dont want to elaborate kasi medyo maselan, at di ko lam if pwede ko sabihin yun..
@ece_students_tipmla,
okay lang yan.. sabihin mo.. wala namang makakakilala sayo dito eh.. hehehe
hayz! buntong hininga na lang.. ewan ko ba sa mga prof ngayon.. skit sila sa ulo ng mga estudyante.. buti na lang wala na ako sa TIP Mla.. nasa TIP QC na ko nag cross enroll hehehe