Tapos na ang voter’ registration para sa eleksyon sa 2010 pero ang mga reklamo sa Commission on Elections o COMELEC, dagsa pa rin. Giit ng mga taong hindi umabot sa itinakda ng COMELEC na deadlinefor registration, i-extend ito. Pero pinal na ang desisyon ng COMELEC. Opisyal nang tapos ang pagpaparehistro.
Sa mga news ngayon sa TV, hindi mawawala ang engkwentro ng mga nagpapareistro at mga COMELEC officials. Kung tutuusin, nakakatuwang isipin na napakaraming mga Pilipinop ang handang tiisin ang pagod at hirap ng pagpaparehistro. Kaya lang, sa opinyon ko lang naman, hindi naman perpekto ang COMELEC. Kapag dinagsa ang kanilang mga opisina ng libu-libong mga tao, paniguradong hindi lahat ay kaya nitong ma-accomodate. Limited lang ang facilitied ng bawat registration sited kaya hindi rin natin masisisi ang COMELEC kung nagtatakda sila ng bilang ng kaya nilang ma-accomodate sa isang araw.
Kung tutuusin, COMELEC na ang nagparaya sa sitwasyong ito. Ang pagbibigay nila ng special registration o ang pag-i-extend ng deadline of registration ay extra effort na mula sa kanila. Mahigit sampung buwan na binigyan ng kalayaan ang lahat na makapagparehistro pero hindi natin binigyan ng halaga ang mga maluluwag na sandali na hindi na sana tayo pipila at magtitiis para magparehistro. Pinaglagpas natin iyon. Ngayon, kung kelan tapos na ang deadline, saka pa tayo nagra-rush.
Hangga’t hindi natin sinisimulan ang pagbabago sa mga sarili natin, paano natin igigiit sa mga nakatataas ang pagbabago? Sa registration process pa lang, ipinapakita lang natin na hindi pa tayo handa sa anumang pagbabago. Ipinapakita lang natin na bubot pa rin tayo sa mga dapat sanay matagal na nating natutunan na mga aral. Nasa atin ang simula kaya ipakita nating handa tayong magbago para sa bayan.



Yeah. Malungkot lang para sa mga ordinaryong empleyado ng COMELEC na nabubulyawan pa dahil ginagawa nila ang trabahong dapat tapos na nung October 31 pa. Kung alam nating hindi pa tayo nakakapag-register, wag na nating antayin ang media na sabihin sa atin na malapit na ang deadline tsaka pa lang tayo magpapa-register. It’s our right to vote. But it’s also our responsibility as well.
Jong-su´s last blog ..THE MAN WHO CAN’T BE MOVED
ow. we’ve got the same view on this. people should stop ranting over and over about it. we were given enough time kasi and yet we chose to do it on the last day. tas now, people kept on asking for extension. hello? ok lang kayo? tsktsk.
sana magbago na tayo. kung palaging ganito kasi, walang mangyayari talaga sa bansa natin. we keep on throwing to somebody else the blame. tsktsk.
pam´s last blog ..It’s Over! Stop Ranting.
Well, COMELEC’s not exactly a favorite agency of the government, unless it’s within election period. YOu as a blogger should know that unless the power of media and information dissemination is harnessed and utilized, an agency’s announcements will be almost useless.
Although I agree with you that COMELEC acted to the best of its duties and that the people dilly-dallied with their registration, we can’t deny that COMELEC is undermanned and under-facilitated to accommodate and serve the constituents especially in the high population density areas.
If the COMELEC had better funding for a nationwide centralized database linked with agencies like NBI, etc., registering could have been done in malls, where people are surely to come.
On the bright side, we see that these people are sick of the present regime and want change. Unfortunately, life’s practical realities are hampering their efforts.
@pam,
so agree! rerekla-reklamo pero sa sarili nila, hindi sila nagpakita ng priority sa pagpaparehistro noong napakaluwag pa ng mga COMELEC sites.. tsk tsk..
@doms,
ginagawa na rin ng ibang mga lugar sa metro manila na ang registration ay ginagawa sa mga malls gaya ng sa Makati na naglagay din sila ng registration booths sa Glorietta. Sa katunayan, nagdala rin booths ang COMELEC maging sa mga schools gaya ng ginawa nito sa UST.
hindi sa pinagtatanggol ko ang COMELEC pero people should know na pagdating sa mga government agencies, asa pa tayong hassle-free ang transactions. Malamang sa malamang ay may mga pagkakataong pipila tayo at kung anu ano pa. Yun nga lang, dapat diniskartehan na natin yung mga ganitong pagkkataon. hindi naman araw-araw puno ang mga registration offices ng COMELEC eh, nitong mga nakaraang araw na lang yan kung kailan malapit na ang deadline.
they gave us ample time. Kelangan ba hintayin natin ang deadline tapos magrereklamo?
Tamad lang talaga ang pilipino. that’s reality.
sana wala ng dayaan..
excited na ko sa automation. teka…
ano kase..
basta. registered na ko nug august palang. kas nawala ata stab ko. tsk..
@Allen,
oo nga eh.. kelangan talaga, tayo mismo ang magbago…
@jason,
sana nga.. at sana, bawat isa sa atin ay bantayan ang mga boto natin..
ako, walang stab. Nawala ko nga lang yung voter’s ID ko tsk tsk.. pero alam ko kung saang presinto ako boboto.. meron namang online checker nun…
i agree, kahit naman ang baso mo punuin mo ng tubig ng isang lagayan eh aapaw di ba. or ang bibig mo busalan mo ng isang buong andok’s eh mabubulunan ka. syempre, may process, may time period for everything.
Random Student´s last blog ..M.O.R.E. Blog Post Awards October 09 Edition
@Random Student,
tama! kaya dapat, matuto naa tayo! hayz! ang mga Pilipino nga naman,,
@jong-su,
tama kuya! hayz! siguro naman aral na ito para sa ating mga Pilipino.. sana hindi na maulit..
kaya dapat i boycott ang election eh. haha. joke lang. hi fjordz!
@Reesie,
ganun? hahaha! wag naman! sayang yung effort ng COMELEC hahaha! hi reesie! hayz! ngayon lang ulit ako nakapag online.. uber busy.. hayz!
maganda nga na ang mga Pilipino eh gustong mag-participate sa botohan.. kaya lang sana inagahan ng iba para ndi nasaraduhan ng registration..
sana lang this time wala ng dayaan.. (^^,)
(gamit mo pa din yung dati mong blog?? or eto na ung bago gamit mo??)
thanks!!
@love,
oo nga eh.. hayz! kung sa registration pa lang hindi pa natututo ang mga Pilipino, what more pa kaya kung sa dayaan? hindi pa rin talaga nagmamature ang mga Pilipino..
Love, yup! ginagamit ko pa rin yung Blogger blog ko.. dun yung mga advertisements etc dito naman yung mga personal ko na entries.. hehehe..