About Me
Fjordan G. Allego is a graduating BS Electronics Engineering student from Technological Institute of the Philippines-Manila. He works as a Data Collections Interviewer for Global Consulting Services of Convergys Philippines. More Here.
Search HIRAYA
Chat with Fjordz
Fjordz Online!
Nagbago na talaga ang trend ng Philippine TV ngayon. From TeleNovelas imported from Mexico and other South American countries, ngayon namamayagpag na ang mga AsiaNovelas na talaga namang pinakatutukan ng mga Pinoy. Sino ang hindi nakakakilala kina Jody, Jenny, Cholo, Martin at iba pa na nagpakulay sa masalimuot na buhay nating mga Pinoy. Mula sa unang Chinovela na nakarating sa Pilipinas, ang Meteor Garden, hanggang sa Koreanovelang may pinakamataas na rating na nakuha, ang Full House. Ito na nga ang dahilan kung bakit pinag-aagawan na ngayon ng mga Giant Networks ang mga AsiaNovela, obviously pati ang ABC at IBC ay nakikisama na rin. Naging sikat instantly ang mga artistang Koreano at Taiwanese tulad nina Rain, Jenny ng Endless Love 1, 5566 at ang F4. Mula umaga hanggang gabi hindi na tayo tinantanan ng mga Asianovelang ito. Sa kasikatan ng mga dramang ito, pati ang ang mga lugar kung saan sila nag-shoot ay naging tourist destination na rin. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang Korea ngayon ay may mataas na tourist visit rate. Instant nga talaga ang pagsikat ng mga dramang ito. Ngunit sa gitna ng kasikatan nila, ang Pinoy drama naman ang naghihingalo. Sa kabila ng pagsikat rin ng mga TeleFantasya sa telebisyon, unti-unti namang nawawala na ang dramang naging bahagi ng kasaysayan. Ang pagkahumaling nating mga Pinoy sa mga dramang pinoy ay unti-unti nang napapalitan ng mga banyagang palabas. Kailan naman kaya ang pinoy ang magpapasikat ng kanilang drama sa labas ng bansa? Kailan pipila ang mga Asyano kina Juday, Claudine, Angel, Anne, Iza, Angelika, Sunshine, Tanya, Maxene, etc. Kailan pakikiligin nina Jericho, Dingdong, Mark ang mga fans nila sa ibang bansa? Kailan? Kailan magkakaroon ng Filipinovela Mania tulad ng nangyari sa Korenaovela at Chinovela? Hay! May mga ilang soap opera naman ang mga Pinoy na inexport sa ibang bansa tulad ng Pangako Sayo nina Kristine Hermnosa at Jericho Rasales at Habang Kapiling Ka nina Angelika Dela Cruz, Toni Gonzaga at Victor Neri pero wala sa mga ito ang naging kasing sikat ng mga inimport natin. Wala! Ano kaya ang kulang?? Hmmm??? Talagang hindi pang-international ang production ng Philippine TV?? Well, siguro dahil na rin doon at dahil na rin sa napakasalimuot na kwentong. Sanga-sanga na hindi mo alam kung ano ang susunod pero ang ending sa umpisa pa lang alam na ng lahat. Kung iko-compare ito sa koreanovela at chinovelang may maiiksing plot pero talaga namang mahuhulog ka pag iyong napanood, walang-wala ang Pinoy Drama. Kailan kaya sisikat ang Filipinovela? Kailan?

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Archives
Networked Blogs
Visitors
Statistics
HIRAYA Traffic
Blog Advertising